Paalam, Salamat

image

Nalimutan ang kahapon
Nawasak ang pangako
Bigla na lang napagtanto
Teka, wala namang tayo

Masakit na bigla ko lang nakita
Meron pala namang iba
Kaya pala hindi magawang sabihin
mga salitang mahal kita.

Sana hindi na lang ako umasa
Hindi na lang naghintay na maging akin ka.
Bakit ba kasi pinatagal pa
Hindi na lang agad bumitaw at naghanap ng iba.

Pero dapat akin ka, akin ka. Pilit na dikta nitong pusong natatanga.
Lumayo ka, lumayo ka.
Sabi ng isip kong pagod na pagod na.

Bakit ba? Ikaw pa?
Ano bang meron ka na wala sa kanila?
Yung totoo?
Wala naman talaga

Pero bukas,
Magbabago na ang lahat
Nagawa ko nang tumigil sa paghihintay at isa ka na lang ala-ala.

Kaya paalam, ito na ang huli.
Salamat,tinuruan mo akong mabuhay at naging malakas. Isa itong aral.
Salamat at Paalam.

Hanggang sa muli kaibigan, ka-ibig-an.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s