Paalam, Salamat

image

Nalimutan ang kahapon
Nawasak ang pangako
Bigla na lang napagtanto
Teka, wala namang tayo

Masakit na bigla ko lang nakita
Meron pala namang iba
Kaya pala hindi magawang sabihin
mga salitang mahal kita.

Sana hindi na lang ako umasa
Hindi na lang naghintay na maging akin ka.
Bakit ba kasi pinatagal pa
Hindi na lang agad bumitaw at naghanap ng iba.

Pero dapat akin ka, akin ka. Pilit na dikta nitong pusong natatanga.
Lumayo ka, lumayo ka.
Sabi ng isip kong pagod na pagod na.

Bakit ba? Ikaw pa?
Ano bang meron ka na wala sa kanila?
Yung totoo?
Wala naman talaga

Pero bukas,
Magbabago na ang lahat
Nagawa ko nang tumigil sa paghihintay at isa ka na lang ala-ala.

Kaya paalam, ito na ang huli.
Salamat,tinuruan mo akong mabuhay at naging malakas. Isa itong aral.
Salamat at Paalam.

Hanggang sa muli kaibigan, ka-ibig-an.

Tyempo

Akala ko noong una’y kaya na pilitin ang pusong mag-isa

Ngunit hinahanap-hanap ka pati  isip ko ay gulong-gulo na.

Hindi Malaman ang gagawin, tamang tyempo ba ang hihintayin?

Hayaan lang ang pusong dumaing at basta subukan kang limutin?

Ako’y naasar, tila ba nauutal.

hindi na yata lubusang magmamahal.

Di mapigilan ang damdamin at biglang sumusugal

kahit di alam kung saan sunod na hahakbang

Hindi naman hangal, ngunit ngayo’y  pagal

At unti-unting nilalamon ng dangal

Paulit-ulit tatayo, walang pwedeng kumibo

Ang sistema ko’y nabalot ng isang bigong pangako

Hinding hindi aatras, kahit wala akong armas

makikipaglaro kahit kay satanas.

Kahapon (Yesterday)

Kay tagal ko nang naghihintay

Ngunit walang sagot.

Ang puso koy nag-aabang,

Bakit parang ika’y lumisan?

Ngunit palaging nasa isipan.

Di maintindihan, Dapat pa bang diktahan

ang mapaglarong isipan,

at pigilan.

Tigilan ang paghabol

Kalimutan ang kahapon

Alam kong dapat gawin

ngunit sarili’y pinipigil din

Puso’t isip ano nga bang gagawin

puso’t isip saan ba ihahambing

Nang mawala’y ang sakit na paulit ulit

Kahapon.

Naibuhos na ang luha

Naubos na ang ngiti

At ako’y nababalot ng pighati

Tigilan ang paghabol

Kalimutan ang kahapon

Alam kong dapat gawin

ngunit sariliy pinipigil din

Puso’t isip ano nga bang gagawin

puso’t isip saan nga ba ihahambing

Nang mawala’y ang sakit na paulit ulit

Puso’t isip ano nga ba ang gagawin

puso’t isip saan ba dapat na ihambing

Nang mawala’y ang sakit na paulit ulit.

Kahit na

Nais kong sabihin na, ikaw na lang sana

ang kasama ko ngayon at hinaharana

Pasensya na, di ako tulad niya,

‘di naman ako maggiging isang tsinita

Pero kahit na, gusto ko lang naman sana’y

makinig ka’t hayaan mo akong awitan kita

Di bale na lang,

kahit ayaw mo pa.

Di naman masamang sinubukan ko na

umamin ako’t nagsabing

gusto kita,

gustong-gusto talaga.

Naalala mo pa ba, noong nakilala kita?

tinukso mo pa akong parang si Betty la Fea.

Pasensya na, di ako tulad niya,

‘di rin kasi ako marunong pumorma

Image

Pero kahit na, gusto ko lang naman sana’y

makinig ka’t hayaan mo akong awitan kita

Di bale na lang,

kahit ayaw mo pa.

Di naman masamang sinubukan ko na

umamin ako’t nagsabing

gusto kita,

gustong-gusto talaga.

Di bale na lang,

kahit ayaw mo pa.

alam ko naman talagang walang pag-asa

pero kahit na, ako’y masaya,

nasabi ko sa pamamagitan ng kanta,

mahal kita.

Bittersweet Ride

Don’t you ever ask me anything about love

Don’t you dare ask me anything about love

Because i’ve been there before

And i don’t wanna go back.

Hell is what it feels like when you’re in love

Promises are broken and you are punished inside and out.

This is not like a paradise, you’ll be frozen

and death is what its like.

At first, there are little  lies, sugar and spice.

It feels amazing like you are in a ferris wheel ride.

Dozen of roses and a candlelight dinner surprise

Together with wonderful melodies and unstoppable chats.

But one day, you’ll wake up and see.

He’s just a stranger in your eyes.

Forced

Though you are out of control

you seemed to be reckless and undesirable (uncontrollable)

I’ll stay here by your side

for my love for you will keep me alive

This piece seems to be a nonsense

But i know, deep inside your heart you’ll find

That I’m, i am the one you adore

I can get dunk, i can change my mind

I can be a heroine

And act like your drug

I will never be possessed

But i know that I’m obsessed

will never be out of this mess

It maybe hard for my part

looking at you from far behind

though my heart will never be out of love

if I’ll stay here by your side.

I can get dunk, i can change my mind

I can be a heroine

And act like your drug

I will never be possessed

But i know that I’m obsessed

I will never be out of this mess

I can chase you down to hell

do everything i can

I’ll bring myself to death

If that’s the only way

If that’s the only way.